Monday, October 11, 2010

Autumn

Mary Edeza De Leon
October 11, 2010

Leaving now, living then
We knew somehow
this will come to an end.
With or without
we're no longer
enveloped with doubt
like a child anchored
into its mother's arm.

Time will come
that I might regret
letting you off the net.
All I know is that
I'll remember you to bits.
How you shy away
when I catch your eyes.
How irritated you were
whenever someone tries
to steal me away.
How every stare
sends me to an elevated state...

I might regret
letting you off the net
but I'll never forget
every touch, every kiss
how its all rooted
as if it was created,
carved and fitted
to my very soul.
Untouched.
Unified.
Whole.


Lupa

Mary Edeza De Leon
September 28, 2010

Kung ano ang itinanim
ay siya ring aanihin.
Ngunit anong aanihin
kung lupa'y di maaaring angkinin?
Upang tamnan ng butong
namumunga ng prutas
sa takdang panahon
at sa taglagas
masasaksihan ang paglago
at pagtubo ng bulaklak
na magiging bunga paglaon.

Mayroon akong binhi
na naghahanap ng mapagtataman
Ngunit lupa kang pagaari ng iba.
Hindi lang sa titulo
kundi maging sa mata
ng Diyos at tao
Kahit ihain mo ang sarili mo.

Walang punong tutubo
mamumunga at mabubuo
Pagkat lupa kang
kailanma'y di maaaring
tamnan at lagyan ng abono.
Kahit ihain mo pa ang sarili mo.

Kawal

Mary Edeza De Leon
September 28, 2010

Batid ko noong una pa
na natagpuan ko na
ang aking katapat.
'Sing lalim, 'sing babaw
umiilalim, umiibabaw.
Saklaw at silaw ng kahinaan
mo ako natagpuan.
Sa panahong hindi ako umaasa,
sa panahong di naghahanap.
Hinayaan kitang talunin
ako sa duwelo.
Pagkat batid ko ang kahinaan ko.
Walang lugar kang hindi inaresto
sa loob at labas ng kaluluwa ko.
Sumugod ka bagamat
kawal kang walang bitbit na armas,
kundi lakas ng loob,
nanunuot na titig
at nakapanghihinang halik.

Kilala na kita sa unang pagkikita
Dapat iwasan, iwanan sa ilang
pagkat ako ang mahihila
at maiiwang talunan.

Cold Feet

Mary Edeza De Leon
September 23, 2010

Anxious to move forward
afraid to take a step backward, stuck.
You held my sweaty hands
as tightly and gently as you can
Leaving an inch
that separates me to you
An inch that seems like a mile
when I closed my eyes
and whispered goodbye.

At the Mall

Mary Edeza De Leon
September 23, 2010

We sat at the corner
of the long-forgotten Mall.
Staring at the blue skies
as it reflects on the tile floor.

I showed you a book
I was reading and let you read
a poem that oddly
but perfectly describes
the moment we're in.

We laughed like we knew
what's going on each other's minds.
Then shook our heads
to take us back to the present time.

Nobody spoke but the intercom,
the woman bargaining for clothes,
the kid screaming as he tries to catch the ball
and the aircon blowing all our warmth off.

You tried to catch my eyes for the answer
as the lady whispers on the intercom
Chasing it for a glimpse of hope and redemption
as the kid impatiently chases his ball
I stared back as blank and as cold as I can
as the aircon blows off our warmth
Until I couldn't .

I said stop,
but my hand started to stroke you back
- my favorite part.


Awit

Mary Edeza De Leon
September 18, 2010


Sumasayaw ang alon
at nagbabanta ang luha
sa gilid ng iyong mga mata
na pilit mong tinitikom,
pinipinid at ikinakahon.

Pigil ang pagalpas
ng bawat ampiyas
ng mabining ambon
habang nakatanghod
sa araw na papalubog.

Hinuhuli ang daluyong
ng damdaming pumapaimbulong
pinaaawit ng sonetong
hindi para sa iyo
- at hindi magiging iyo.

Sabay sa indayog ng alimuom
ang pusong latay ng pasa at galos.
Pinapalaya sa musika ng pait
ang lahat mong lungkot at hinanakit.

Inaawit ang sonetong
hindi para sa iyo,
sonetong kailanma'y di magiging iyo.