Wednesday, March 7, 2012

Salamin

Natigilan ka't napatitig sa harap ng salamin
Hinahagilap ang mukha sa paningin
Ngunit wala ang pamilyar na ngiting
Ngayo'y nagmitulang masamang pangitain.

Pisnging daluyan ng luha at guhit ng pighati
Matang naninikis, nangaakit, naguusig
Mga labing misteryo ang bawat pag ngiti
Wari ba'y nakakubli ang isang laksang lihim.

Hinahanap ang bakas manlang ng alaala
Na minsan kang nakapagpasaya
Hindi mo na rin makita
Ang repleksyon ng pangungulila

Mary Edeza De Leon
March 3, 2012

No comments:

Post a Comment