Sunday, September 20, 2009

Clot

Ambahan ng Paglisan
Mary Edeza D. De Leon
September 20, 2009


Lugar na 'yong tinungo
tila napakalayo,
nabusog iyong mata
nabigla sa nakita.
At ako na naiwan
Sa silid na nilisan
ay nagmistulang baliw,
ano ang magaaliw?
Ang pagyakap sa dingding
o paghalik sa sahig?
Wala na nga ang bakas
ng "pagibig mong wagas",
tangay ng mga alon,
hindi na nakaahon.

No comments:

Post a Comment